It's 12 midnight at may pasok bukas. I'm only going to get like a maximum of 4 hours and 30 minutes of sleep. YEY :|
Ayoko na. Sawa na ako. AYoko nang umasa, aasa tapos gagawan ng paraan pagkatapos magiging confident ka na magagawa mo yung bagay na yun, feeling mo wala nang makakahadlang sa iyo sa pagkamit mio ng iyong mithiin.
AKALA MO LANG YUN. Pagdating ng karagdagan oras ng pagpapasya, buigla kang babagsakan ng bomba na tinatawag na
DISAPPOINTMENT. So ngayon, unti-unting nawawala na ang iyong bilib sa sarili. Nagsasawa ka nang umasa pero sa huli mabibigo ka. Sasabihin nilang masmabuti nang sinubukan kaysa wala kang ginawa, pero sa totoo lang, anong punto? pareho ka pa ding nasasaktan. Tapos sasabihin nilang, walang mawawala sa iyo. HA! ASA. Nawala ang pagtitiwala mo sa sarili at Nawala ang paniniwala mo sa Diyos, maslalo na yang Diyos. Pssh. Peste. Kinakausap mo nga, nakikinig cguro pero NR e. Huwag kang humingi ng signs, so paano mo malalaman kung anong gusto niyang mangyari? takte. makikiramdam ka? Eh paano kung manhid ka? Good luck sa iyo. Ganun na lang? Puta. ANG LABO. :|
Bakit hindi na lang gawing simple ang mundo? Ewan ko ba kung aong pumasok sa isip ng human race at ginawa nilang komplikado ang mga buhay nila. Pinahihirapan lang nila sarili nila. Bakit nga ba hindi din tayo makawala sa palatuntunan ng lipunan at mabuhay sa sarili nating mga paniniwala? May sagot ako kaso ayoko nang sabihin. Hahaba lang ang usapan, mawawala pa sa paksa.
Ano nga ba ang paksa ng "post" na ito? Naglalabas lang ako ng konting mga saloobin ko sa buhay kong sadyang pariwara nang pumasok ang ikatlong taon ng aking pag-aaral.
1. Pinakawalan ko ang aking minamahal sa pag-aakala na ito'y masmakakabuti sa amin at tama itong ginagawa ko. : TANGA KA! Tignan mo ngayon, hirap na hirap kang kalimutan siya at ang masama pa napakaBITTER mo. Diyos ko. Tignan mo nga sarili mo, hinihiling mong sumama ang loob niya at kung ano-ano pang kababalaghan para lang masatisfy yung nararamdaman mong di mo maintindihan. Anong klaseng babae ka? para ka namang hindi edukada, MY GOD. Tanggapin mong wala na. Let Go and Move on. Isipin mo ang mga magagandang punto ng pagkakawala mo sa kanya, matututo din siya sa sarili niya, hindi yung dumidepende siya sa isang babae para masabi kung gaano siya kalalake. Kaya niya yun, hindi naman pangit ang taste mo para mahulog nag loob mo sa isang bobo na panget na isip batang lalake. Kailangan lang niya ng suporta at guidance, masakit nga lang na hindi nangaling omangagaling sa iyo yun. HAHA. LOSER. At least hindi ka na mahihirapan diba? Joke. Pareho tayo ng iniisip, sana ay maging maayos dina ng relasyon niyong dalawa sapagkat kapag wala nang hinanakit o kahit anon negatibong karamdaman ay saka lamang kayo tunay na makakapag move on.
2. Umalis ang aking Ina dahil sa problema tungkol sa aking lolo at lola [magulang ng aking ama], Hinayaan ko na lamang malis ang aking Ina para malinawan ang kanyang isip at makapaglabas ng hinanakit at mga karamdaman. : SAAN KA PINULOT NGAYON?! Hindi ka makasali sa varsity, hindi ka man lang makapg try outs, at bakit? dahil sa punyetang issue ng mga elders. AMPs. Kasalanan nila lahat yan. Wala ka din namang magawa kasi bata ka. Gusto mong magdrop-out para alagaan pamilya mo, at katumbas ng ano? Kinabukasan mo? Pssh. Mag-isip ka nga, hindi ba't masmahihirapan magulang mo dahil doon? STUPIDA. Kawawa naman yung kapatid mong grade 1, bata pa lang namomoblema na, hindi maintindihan ang nangyayari sa munong ginagalawan niya. Yung isa mo namang kapatid, hindi alam kung anong puwedeng gawin kahit alam na niya ang sitwasyoon niyo. Pero anong ginagawa mo? sinusungitan mo? binabara mo? sinisigawan mo! Ganda ng pagmamahal mo ah. Galing mo.
3. Bagong taon. Bagong classroom, bagong kaklase, bago lahat. Masakit pero kailangan mong tanggapin na nawalay ka sa iyong mga kaibigang sobrang minamahal, sa klaseng natutunan mong pakisamahan sat sa huli minahal mo ng lubos. Idaan mo na lang yan sa Joyful Detachment [Acceptance ; pareho na yun] ika nga. May pakay ang Diyos para sa iyo. May itinatagong biyaya ang bawat pagsubok na ibinibigay sa iyo. : TARANTADO! Asan ang Diyos nung kinailangan mo siya? Andoon sa krus, nakahalay, nakasampay. Pinapasan ang mga kasalana mong nagawa at hindi pa nagagawa pero anong ginagawa mo? Inaaway mo lang siya. You Question Him! [hindi ko alam ang tagalog e, sensya :)) ] Wala ka nang utang na loob. Kaya ganyan ang nangyayari sa iyo e. Tarantado ka kasi. Andiyan naman mga kaibigan mo na walang sawang sumusuporta sa iyo kahit na may sarili silang problema, ikaw pa din iniintindi nila. Hindi ka nila pinapabayaan. Gumising ka nga at nang makita mo na hindi lang puro negatibo ang mundo, mayroon ding magagandang pangyayari despite the fact na gumuguho na mundo mo. Magpasalamat ka. Ngumiti ka.
MAHIYA KA NAMAN.~~~
A: So anong plano mo sa buhay mo?
B: Ewan ko.
A: Anong ewan mo? magmumukmok ka lang sa isang tabi?
B: Siguro.
A: Sabagay, kailangan mo din yan, pro sana huwag mong kalimutan ang ga importanteng bagay. Puwede kang magemote at maginarte basta't nagagawa mo yung dapat.
B: I know. Napakademanding mo naman. Nanermon ka pa.
A: Siyempre, I'm your conscience.
B: Wrong spelling pa ata pangalan mo e.
A: Hindi, tama yan. Tignan mo, walang underline na pula :>
B: Oo nga noh. Cge tulog na ako. May pasok pa mamaya at ala una na. :))
A: Sige lang, Andito lang ako, nag-iisip at nakikipagbonding sa subconscious mo.
B: Weirdo ka.
A: Kung weird ako, weird ka kasi Iisang nilalang lang tayo.
B: O siya, sige na. tama na. magaayos pa ako ng mga chever. :)) bye.
A: Geh.